DREAMGIVER.PH

Tuesday, December 10, 2013

Ang Happiness ko.

Ilang araw din bago ako huling nakapag blog at pinagsisisihan kong hindi ko napicturan ang kinain kong balut kagabi para madagdagan naman ang previous blog ko ng pang # 2 sa listahan. Nagtraining kasi ako sa isang studio sa Lemery. Bagong raket pero mas kino-consider ko yung bagong kaalaman para sa akin. Search mo ang website nila, www.rmrdigital.com.

Habang nagfe-facebook ako kanina, nakita ko ang photoshoot ng dati kong grupo, ang Phoenix. Namimiss ko na ang mga tao doon. Di ko alam kung bakit sobrang naattach ako emotionally sa kanila kahit di sila yung tipong lagi kong naaalala. Hindi ko alam kung sa pangalan ba ako na attach o sa mga tao. Pangalan ng publication ang tinutukoy ko. Ewan ko ba.

Pagkatapos kong tignan ang mga larawan, nagpunta ako sa FB timeline ko. At nagulat ako dahil may nakalagay sa left side under ng profile picture na parang highlights ng nagawa ko this year. 20 yun eh. So nacurious ako at nag click ako. Nakita ko ang mga pictures at posts na talagang may naaalala ako. Tapos bigla akong napaisip, ang saya pala ng year na ito para sa akin. 2013 made me a better person. Di ko lang maisa isa ang nagawa ko since hindi ko naman talaga masabing naging the best ako para sa ibang tao but what made me happy today is that, literal na naging masaya ako. 

Walang halong ka-corny-han to ha, pero napagisipisip ko na para talaga sumaya ang isang tao, una muna na dapat nyang i-settle eh ang PUSO. Walang iba. Dahil sa mga taong mahal ko kaya ako naging kuntento at masaya. Sobrang nagpapasalamat ako sa boyfriend ko na ngayon ay itinuturing ko ng asawa. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal na hanap ko bukod sa aking mga magulang at kapatid. Isang syang piraso ng maliit na turnilyo na nahanap ko na sya g makakapagpapa-gana sa makina ng puso ko. Kuntento akong talaga at masaya.

Naging matapang ako, lumaban at naging mas mabuting tao. Sa kanya ko mas natutunan ang pagiging totoo sa sarili ko at sa ibang tao. Dahil sa kanya kaya mas nakilala ko pa ang aking sarili. 

Naging maganda ang taon na ito para sa akin, hindi ko naman hihilingin na maging maganda ang susunod na taon, alam kong una'y Dyos na darating at mararamdaman ko iyon ng kusa gaya ng nangyari ngayong taon. 

Kaya, unahin mo munang ayusin ang puso mo, bago ka pa man sumulong sa landas na tatahakin mo.

No comments:

Post a Comment